Abante Tonite Interactive

Bahay ng retiradong heneral naabo

By
1,473

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog sa bahay ng isang retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Ayon kay SFO1 Joma Arrogante, dakong alas-5:30 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni PNP Retired General Renato Paredes, dating Director ng Traffic Management Group (TMG) at tumakbong congressman sa lalawigan ng Ifugao, sa Kawilihan Village, Barangay Bagong Ilog ng nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa nasabing bahay subalit agad din itong naapula ng mga rumespondeng bumbero.
Idineklarang fire under control ang sunog dakong alas-6:08 ng gabi na umabot lang sa first alarm at wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa nabatid na sunog.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng BFP kung magkano ang pinsalang inabot sa nasunog na bahay ng retiradong heneral.