Abante Tonite Interactive

Bahay ni Kris Bernal sa Tate, tinaasan ng kilay

By
6,655

Kinabog pa ni Kris Bernal ang maraming artistang malalaki at mas sikat sa kanya dahil na­kabili siya ng sariling bahay sa Amerika.

Sa West Covina sa California ang nabiling property ng 29-anyos na Kapuso actress.

2 years nang based sa US ang sister ni Kris na si Katherine Bernal na isang registered nurse. Ito raw ang nag-house hunting ng bibil­hing bahay at sa West Covina sila nakakita ng gusto nila.

Abante Hiring – IT dep

4 bedrooms ito na may loft, na nabili ni Kris nito lang April, 2018.

Turo raw ‘yon ng kanyang inang si Analyn Tan, na imbes na mag-impok sa bangko ay bumili ng bahay sa Amerika na mas tataas pa ang value.

Kuwento ni Kris sa isang interview ay nanginginig siya at mangiyak-ngiyak nang una siyang tumapak sa nasabing bahay, na katas daw ng lahat ng paghihirap niya sa trabaho at pagpupuyat.

Lahat daw sila sa pamilya ay may kontribusyon dito, hindi lang siya, sabi ni Kris.

In fairness ay ang laki ng bahay, na nakita namin sa video ng house tour ni Kris na pinost niya sa kanyang Instagram Stories.

Pinakamalaki ang bedroom ng sister niyang si Katie dahil doon ito nakatira.

May mga nagtataas ng kilay dahil hindi sila makapaniwalang ganu’n pala ka-big time si Kris, na afford nitong makabili ng sariling bahay sa Amerika.

Ang sabi ng ilang netizens, mahal ang property sa lugar na ‘yon. Marami raw Pinoy na matagal nang nagtatrabaho roon na hindi kayang bumili ng bahay.
Ayon sa tantiya, sa Phi­lippine pesos ay aabutin ng P30M ang halaga ng West Covina house na nabili ni Kris. May ganu’n daw pala kalaking pera si Kris?

May mga nagkukuwenta tuloy kungNaabot ba ng ganu’n ang kinita ni Kris mula nang manalo sila ni Martin Escudero bilang Ultimate Loveteam sa ‘StarStruck’ Season 4.

Ang taray, leveling lang naman si Kris kay Congresswoman Vilma Santos na may bahay din sa West Covina!
Bukod kay Ate Vi, ang iba pang big stars na may nabi­ling bahay sa US ay sina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Michael V.

Kinabog lahat ni Kris ang mga kapanabayan niyang Kapuso stars, pati na ang mga nauna at mas sikat sa kanya dahil wala silang bahay sa Amerika na katulad niya!

Ikaw na ikaw na ang babaeng pinagpala, Kris Bernal!

***
Resbak episode ang ‘Lip Sync Battle Philippines’ mamayang gabi dahil mu­ling maghaharap ang dalawang returning celebrity battlers.

Magpi-faceoff ang dalawang hot Kapuso stars na parehong hindi pinalad manalo nu’ng nakaraang season.

Si Solenn Heussaff ay dinaig ni Lovi Poe habang si Rhian Ramos ay kinabog ni Heart Evangelista.

This time ay maghaharap sina Solenn at Rhian, na magtatagisan ng kaseksihan sa ‘LSBP’ stage bilang Ariana Grande at Taylor Swift.

Panoorin ang resbakang Solenn-Rhian ngayong gabi sa ‘Lip Sync Battle Phi­lippines’ sa GMA.(Allan Diones)