Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay ni tserman, gusali naabo

0 85

Naabo ang lumang bahay ng isang kapitan matapos sumiklab ang sunog kahapon ng umaga sa may F. Jhocson St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, ang nasunog na bahay ay pag-aari ni Brgy. Chairman Rodel Santos, ng Brgy.408 sa nabanggit na lugar.

Nagsimula umano ang sunog alas-5:45 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out alas-6:42 ng umaga.

Samantala, isang abandonadong building din ang nasunog kahapon ng umaga sa Barangay South Triangle sa Quezon City.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa dalawang insidente habang inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.