Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay pa kay Diaz, 3 Tokyo medalist

0 81

Hindi pa nakakalipat sa kanilang mga bagong bahay ang mga 2020+1 Tokyo Olympics medalist na sina weightlifter Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial, pero nakahanda na rin nilang makamit ang ipinangako ng pamahalaan na bahay at lupa rin na kasama sa mga pabuya.

Bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte, mabibiyayaan sila ng karagdagan pang tahanan mula sa National Housing Authority.

Nagtulong sina Philippine Sports Commission Chairman Wiliiam ‘Butch’ Ramirez at NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. upang maisakatuparan ang ipinangako ng Presidente.

Puwede nang tirahan ang fully furnished, 2-storey houses ng apat na atleta. Ang turnover ng mga unit para sa mga Chavacano na sina Diaz at Marcial sa Setyembre 2sa Zamboanga City.

Itatakda pa ang petsa ng paglipat para kina Petecio at Paalam sa Davao.

Sinabi ni Escalada Biyernes na ang 2-bedroom units ay may floor area na 60 sq m at total lot area na 80 sq m. Naka-tiles, pinturado, fully furnished, at may tubig at kuryente na rin.

“This good fortune and success of the national athletes could inspire a child somewhere to take up sports and one day take their turn in bringing pride to the Philippines, ” ani Ramriez. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.