Abante Tonite Interactive

Bahay-sanglaan ninakawan ng tauhan

306

Ipinaaresto ng isang pawnshop owner ang isa nitong appraiser matapos madiskubre ang ginawa umano nitong pagnanakaw sa kanilang bahay-sanglaan sa Pasay City nitong Lunes nang hapon.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang suspek na si Erwin Tatunay, 41-anyos, binata, empleyado ng Job and Kahlil Pawshop at taga-No. 313 Tirona St., Brgy. 145 Bagong Bario, Caloocan City.

Sa pahayag ng biktimang si Marlou Ibanez, 50, may-ari ng nasabing pawshop at taga-Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal kay PSMS. Nestor Rubel, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, alas-3:00 nang hapon nang madiskubrre nitong unti-unti nang nalulugi ang kanyang negosyo at kulang na ang mga alahas na naka-display sa kanyang shop sa Metropoint Mall.

Dahil dito napilitan si Ibanez na mag-imbentaryo sa kanyang mga alahas at dito na nadiskubre na aabot sa halagang P400,000 ang nawawala at kinulimbat ng bantay niyang si Tatunay kaya agad na ipinaaresto.

Itinanggi naman ng suspek ang alegsasyon ng amo. (Armida Rico)