Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay tinaniman ng bomba

0 101

ISANG bomba ang natagpuan sa loob ng isang bahay na pinaniniwalaang itinago ng isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) sa Bacoor City, Cavite.

Sa salaysay ni Grace Tacub, 49, isang balo, kay Pat Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, nagsasagawa siya ng general cleaning sa loob kanilang bahay, ala-1:30 Lunes ng hapon nang matagpuan niya ang isang hinihinalang bomba.

SM food to go Banner Ad

Sa takot na baka sumabog, ini-report niya ito sa kanilang Barangay Hall kung saan isa rin siyang Barangay Ex-O na siya namang nag-report sa pulisya.

Hinala ni Tacub, naitago ito ng kanyang yumaong asawa na dating meimbro ng Philippine Amy.

Hawak na ng Explosive Ordnance Division ng Bacoor CPS ang nasabing bomba. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.