Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bahay, tricycle inararo ng tanker, 3 dedo

0 56

Tatlo katao ang pumanaw sa pagsalpok ng isang tanker truck sa dala­wang tricycle sa Mariveles, Bataan nitong Lunes.

Sa report, may anim pa na sugatan sa nang­yaring aksidente alas-7:30 ng umaga sa ka­habaan ng bypass road sa Brgy. Baseco.

Nakuhanan pa ng CCTV ang insidente kung saan sumalpok ang trak, na kargado ng idedeliber na produktong petrolyo, sa dalawang tricycle na nasa harapan nito, saka dumiretso sa isang bahay.

Kinaladkad ng oil tanker ang tricycle kung saan sakay ang drayber nitong si Eduardo Santos Jr., 46, ng Brgy. Maligaya. Dead on the spot si San­tos.

Ang isa namang trike driver ay sugatan pero nasawi ang sakay nitong dalawang pasahero na sina Renne Lansangan at Retchen Atencio, kapwa residente ng Sitio Palao, Baseco.

May mag-ina ring na­sugatan sa gilid ng kal­sada, maging ang isang ginang na nakatira sa ba­hay kung saan bumang­ga ang trak.

Agad rumesponde ang Bureau of Fire Pro­tection at inalis ang na­tapong diesel sa kalsada.

Samantala, patong-patong na mga kaso, kabilang ang multiple ho­micide, multiple physical injury at damage to prop­erty, ang kahaharapin ng drayber ng trak na si Joel Bonzato, 46-anyos, ng Li­may, Bataan na sugatan din at kasalukuyang nag­papagamot sa ospital. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.