Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baho ni Pia pinasabog ng utol

0 276

NI: Ray Mark Patriarca

Maraming nabahala sa mga alegasyon ng nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah sa Instagram.

Nitong Linggo ay ginulantang ni Sarah ang social media matapos na ilabas ang sama ng loob kay Pia, kung saan pati ang kanilang ina ay nadamay.

Sa IG story ni Sarah, sinabi nitong ‘ang baho ng ugali’ umano ni Pia. Nireklamo rin ang hindi umano pagsuporta sa kanya ng Miss Universe 2015.

“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama,” saad ni Sarah Minura pa nito si Pia at ang kanilang ina.

Nilutang din ni Sarah ang hindi umano pagpansin sa kanya ni Pia at ayaw rin umanong mag-sorry sa kanya, Pero, hindi dinetalye kung anong naging kasalanan ng beauty queen.

SM food to go Banner Ad

Pinaratangan din ni Sarah na ‘insensitive’ si Pia dahil hinihiritan umano siya nito kapag binibigyan siya.

“Grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh.. Tapos ngayon barya na lang,” kwento ni Sarah na sinabi umano sa kanya ni Pia.

Ayon pa kay Sarah, binabantaan daw siya ng kanyang kapatid na ilabas ang baho nito ngunit hindi na raw makakalapit ito sa kanya ulit.

“I told you I was serious when I threatened you. I’m your sister but I’ll be your worst enemy, no problem,” mensahe pa ni Sarah kay Pia.

Bukas ang panig ni Pia at ng kanilang ina sa pasabog ni Sarah.

Habang sinusulat ang isyung ito, biglang nag-private ang Instagram account ni Sarah na dating naka-public. Hindi na rin mabasa ang post niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.