Baho ni Ronnie pasasabugin

1,266

Nakatanggap ng pagbabanta sa isang basher ang Kapamilya actor at Hashtags member na si Ronnie Alonte.

Ito ay kaugnay umano sa itinatagong baho ng aktor.

Sey ng isang marivic ramos: @iammr2alonte, kaya mo pa ba? Mukhang gusto mo nang bumigay. Yun ang mangyayari pag user ka. Kung may masama kang ginawa sa kapuwa. Segurado babalik iyan sayo. Lalo na kung may kapatid kang babae. Mas masakit lang kung sa kanya tumama ang karma. Malapit na.”

Dinare naman ni Ronnie ang nasabing basher na ilabas kung anumang ebidensiya meron siya.

“Ilabas mo na plss. Kme na ang nahihirapan sayo, eh. Ahaha,” hamon ni Ronnie.

>

Hindi naman nagpaawat ang nabanggit na basher at ipinagpatuloy ang pagbabanta.

Pahabol niya: “Ganoon ba? Kusang lalabas na lang iyan. Antay lang. Malapit na pala 3rd anniversary nyo. Yung suot niya, advanced gift mo ba sa kanya?”

Dahil sa pagbabanta ng basher, pinag-uusapan tuloy ng netizens na baka raw may nabuntis o babaeng pinaluha ang young actor.

Bukas ang pahina ng Tonite sa paglilinaw ni Ronnie. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...