Abante Tonite Interactive

Bahrami, Iran harang sa Gilas

0 421

Nakahambalang sa Gilas Pilipinas ang Asian rival Iran sa huling laro sa classification phase ng FIBA World Cup sa Beijing.

Alas-otso ng gabi ang tipoff sa Wukesong Sports Arena.

Hindi tinalo ng Filipinos ang Iranians sa dalawang window ng Asian Qualifiers.

Sa unang match sa Group N noong Biyernes, kinubabawan ng Iran ang Angola 71-62. Tinakasan ng Angola ang Pilipinas sa overtime 84-81 sa group phase.

Sa huling laro, humarabas ng 21 points si Samad Nikkah Bahrami, nagdagdag ng 11 points at 7 rebounds si Aaron Geramipoor.

Ang higanteng beterano ng Iran na si Hamed Haddadi ay may 9 markers at 5 boards sa loob ng 26 minutes.

Si Bahrami pa rin ang magiging pangunahing problema ng Gilas. Nagliyab siya ng 5 for 7 shooting sa labas ng arc.

Si center Geramipoor ay 15 minutes lang sa loob pero 5 of 6 mula sa field.
Sina Andray Blatche at June Mar Fajardo pa rin ang ipambabara ng Gilas sa paint, kasama sina Raymond Almazan at Japeth Aguilar. (VE)