Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baka magkalat ng COVID! Mga pulubi hulihin – DILG

0 197

Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na dapat ay damputin ng mga pulis ang mga palaboy at dalhin ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Saad ni Diño, posible umano na ang mga pulubi pa ang nagkakalat ng COVID-19 dahil pagala-gala ang mga ito sa lansangan.

“Batas ay batas. Dapat iyan hinuhuli ng mga pulis, dapat dinadala sa DSWD kasi baka hindi mo alam, baka ito na `yong nagkakalat ng pandemya dahil unang-una, exposed ito,” ayon kay Diño sa isang online forum.

Aniya pa, hindi dapat idahilan ng mga ito na sila’y mahirap kaya naroon sila sa mga kalsada.

“Wala dapat sila sa lansangan, pandemya tayo ngayon. Walang pinipili ang pandemya,” giit ng opisyal. “Hindi porke mahirap ka, ikaw ay may lisensiya na kumatok at um-ano sa lahat ng mga ano.”

Buhat nang magsimula ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay dumami ang mga nanghihingi ng limos sa kalsada, kasama na rito ang mga jeepney driver at mga na-stranded, na salat sa pagkakakitaan.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.