Abante Tonite Interactive

Baka manakal ulit si Balkman!

By
1,391

Baka manakal ulit ‘yan!

Sa Sabado, Mayo 19 pa sa Petron Blaze Special-PBA Commissioner’s Cup eliminations sa Dumaguete City ang susunod na laro ng San Miguel Beer kontra Alaska Milk.

Nasa kambal na semplang ang defending­ champion Beermen. Sadsad kontra Rain or Shine noong Linggo sa Ynares Center-Antipolo City (119-123 overtime) at sa Meralco (85-93) noong Miyerkoles, Mayo 9 sa MOA Arena sa Pasay City.

Tapos bumalentuang sa Elasto Painters, inamin nina 2013 MVP Arwind ‘Spiderman’ Santos, Coach Leovino Austria, Gov. Robert Non at team manager Gelacio Abanilla na pasibak na si Troy Gillenwater bilang import nila para mu­ling makalaro si Renaldo Balkman.

Patok din sa midseason conference na ito ng pro league ang Beermen (dating Petron) limang taon na ang nakararaan. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, sinakal ni Balkman si Santos na inaawat lang siya upang laumamig ang ulo.

Inalis na ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial ang lifetime ban ni Balkman sa liga at kakabalikat lang ng Puerto Rican import kasangga si Justin Brownlee sa San Miguel Pale Pilsen Alab Pilipinas na makopo ang korona na ASEAN Basketball League.

May mga nagbibiro na baka manakal ulit si Balkman.

Pero sa ganang atin, hindi na ‘yan. Siguro ‘ka ko natuto na siya sa buhay. Magandang mabigyan din ng pagkakataon ang mama na makabawi sa pagkakamali niya noon.

***

Belated happy birthday to Honey Boy Tiambeng of Valenzuela City who turned 46 years old last Thursday, May 10. Greetings from your cousin, lady scribe Anita Abad of Bacoor City.

And also to Little League Philippines deput­y district administrator Chito Gonzales who celebrated his birthday yesterday. From Philippine Star’s Olmin Leyba.

***

Finish line: Magkakaroon ang Laiya National High School (da­ting Laiya Barangay High School) sa Laiya Ibabao, 4224 San Juan, Batanga­s ng ‘LNHS Class of 1986 Grand Reunion’ sa Linggo, Mayo 27, 2018 mula alas-siyete nang umaga, sa LNHS quadrangle o campus.

May programa roon, may kainan, inuman (juice, softdrinks o tubi­g, ‘di alak para walang problema), paripa at siyempre may bonus pang mahabang kuwentuhan at kauntin­g asaran.

Kaya ngayon pa lang po makipag-ugnayan na kayo kina batch 1986 president, host, marathoner Pablo Jara Cay sa 0916 688 8897, Adelia M. Bacsa sa 0919 451 5792 at Dr. Anacleto Gunio sa 0939 293 0712.