Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakal at yero tataas presyo at maaring magkaubusan dahil sa DTI

0 30

Ang buong akala nating lahat ay ang Department of Trade and Industry (DTI) ang siyang nangangalaga sa mga negosyante at Consumer sa bansa upang muling sumigla ang ekonomiya na lubhang naapektuhan ng covid 19 pandemic.

Inaasahang tataas ang presyo ng bakal sa bansa at maaring magbunsod ng pagbabawas ng manggagawa dahil sa ginawang tila panggigipit nito ng DTI kaugnay ng Department Administrative Order (DAO) na inilabas ng Bureau of Philippine Standards (BPS).

Nakapaloob sa DAO na kailangan magsumite ng sertipikasyon ng produkto para sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng bubong at iba pang produkto .

Dapat ay agad na ipasilip ito sa Malacañang at alam naman ng lahat na ayaw mismo ni Pangulong Duterte na pahihirapan ang sektor ng negosyo at mismong mga Konsyumer ngayong may pandemya.

Malinaw na labag din sa Anti Red rape ACT at Ease of Doing Business ang DAO ng DTI dahil kailangan pa ng karagdagang proseso na kahit pa ang produkto ay naunang exempted na o hindi kasali.

Kung hahaba ang proseso ay tiyak na maapektuhan ang presyo ng produkto at lalo na ngayon na may pandemya ay maaring maapektuhan pa ang maraming manggagawa mula sa industriya ng bakal.

Sa ngayon ay marami na ang umaangal na negosyante dahil hindi pa mailalabas ng 15 days ang shipment sapagkat under evaluation pa.

Paglalabas naman ay hindi pa rin maibebenta ng mga negosyante dahil kailangan pa ng mismong impeksiyon ng mga tauhan ng DTI.

Sa ngayon ay marapat ng imbestigahan ito ng Malacañang dahil kapag lumala ang ganitong problema ng industriya ng bakal sa bansa ay maaring matulad ito sa nararanasang kakapusan ng suplay ng karneng baboy at manok.

Ang DTI ang dapat nagproprptekta sa industriya at publiko pero sa pagkakataong ito ay piniperwisyo nito ang negosyo.

Parang kontra ang DAO sa pagsusulong ng DTI na isailalim na daw sa MGCQ ang buong bansa upang unti unting sumigla ang ekonomiya na lugmok ngayon dahil sa pandemya na maraming naluging negosyo at milyong katao ang nawalan ng hanap buhay .

Leave A Reply

Your email address will not be published.