Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakal na hawla binalibag ni Tyson

0 259

PATULOY na naninindak si former undisputed heavyweight champion Mike Tyson.

Habang nasa isang beach sa California, nagpasiklab ang 54-anyos nang boksingero nang angatin at ibalibag nang ilang ulit ang isang steel cage o hawla na gawa sa bakal.

“Here’s “Iron” Mike Tyson tossing a steel cage around an L.A. beach this week like it’s a toy … and it’s pretty fun to watch!!” ayon sa report ng TMZ Sports.

“Unclear why Mike hit the sand … but it’s all obviously part of a larger production — hence the video cameras and crew members (all of whom were wearing masks btw, so props on that!).

Matunog ngayon ang pinakabatang naging heavyweight champion sa edad na 20 dahil madalas itong nakikita sa gym at nagpapakondisyon para sa niluluto niyang charity boxing event.

Bukas din si Tyson na makasapakan ulit ang dating karibal sa parisukat na lona na 57-taong gulang na ngayong si Evander Holyfield. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.