Abante Tonite Interactive

Bakasyunista nalunod sa hot spring

294

Patay ang isang lalaki nang malunod sa Bani Hot Spring sa Boliney, Abra matapos na mag-dive sa water falls noong Sabado.

Nakilala ng Boliney Police Station (BPS) ang biktima na si Louie Arellano, 29, residente ng Luzong, Manabo, Abra.

Batay sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang mga kamag-anak na nag-picnic sa hot spring.

Habang lumalangoy ang biktima ay tinangay umano ito ng malakas na agos.
Natagpuan ang bangkay ng biktima may 100 metro ang layo mula sa picnic area matapos ang halos tatlong oras na paghahanap sa kanya ng mga rescue team. (Allan Bergonia)