Abante Tonite Interactive

‘Bakbakan’ bitaw sa Rizal, Bicol

174

Sa Rizal at Bicol masisipat ang “Bakbakan Early Bird 9-Stag Derby”, ang P10M nationwide event ng International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA), ngayong Biyernes, July 19.

Larga sa Blue Mountain Sports Arena sa Antipolo, Rizal ang 2-stag elims mamaya na may siguradong 70 sultada.

Ayon kay Rizal Gamecock Breeders Association (RGBA) president Rey Director, ang iskedyul sa BMSA ay July 19, Aug. 2 at 16 para sa 2-stag elims, Aug. 20 sa 3-stag semis, at Aug. 31 sa 4-stag finals.

Abante Hiring – IT dep

Sa New Iriga City Sports Complex naman magpapang-abot ang mga miyembro ng Camarines Gamefowl Breeders Association (CGBA).

Nakahanap ng kakampi ang “Bakbakan Early Bird 9-Stag Derby” dahil sa suporta ng Thunderbird SD4+ at Excellence Poultry and Livestock Specialists.

Sabay-sabay ang 4-stag finals sa Aug. 31 sa iba’t ibang sabungan, hirit naman ni FIGBA president Ricoy Palmares, Jr.

At sa Oktubre ang umpisa ng “National Bakbakan 12-Stag Derby”. (Enjel Manato)