Abante Tonite Interactive

Bakbakan kay Sereno ituloy sa Senate impeachment court

By
Photo courtesy of Jonas Sulit
0 1,428

Ngayong nahanap na ng kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang 11 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) nito ay dapat ng matuldukan ang isyu na ito, ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin.

“To save face over taking the issue which the SC has no jurisdiction, it should dismiss the quo warranto petition immediately” pahayag ni Villarin.

Iginiit ng opposition solon na “non-justiciable issue” ang usapin sa SALN.

Maituturing aniya ito na ‘harassment suit’ ni Solgen Jose Calida batay sa direktang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdeklara na sino mang kokontra sa kanya ay ituturing nitong kaaway.

“The battle now shifts to the impeachment court which is the Senate. The House leadership has long decided that CJ Sereno is guilty sans the plenary vote,” batay pa kay Villarin.