Abante Tonite Interactive

Bakbakan ng AFP at NPA: 1 sundalo patay, 3 sugatan

By
12

Patay ang isang sundalo habang tatlo pa ang sugatan sa magkakasunod na engkwentro ng tropa ng gobyerno at ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon at Davao Oriental kahapon.

Ayon kay Capt. Rhyan Batchar ng 10th infantry Division ng Philippine Army, alas-9:30 ng umaga nang makasagupa ng 66th Infantry Batallion ang Pulang Bagani Company-8 ng NPA sa Sitio Maglahos, Barangay PM Sobrecary, Caraga, Davao Oriental.

Nagpapatrulya noon ang mga sundalo nang makasalubong ang mga rebelde.

Abante Hiring – IT dep

Sa gitna ng sagupaan, sasaklolo sana ang 67th Infantry Batallion ngunit pinasabugan sila ng improvised explosive device.

Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ni Sgt. Leo Lugo at pagkasugat nina Corporal Zhelmer Roquero, Corporal Hansen Dave Pajarillo at Private First Class Rodulfo Bascon.

Una rito, nagkasagupa ng 60th Infantry Batallion ang NPA guerilla Front 55 sa Barangay Cayaga, San Fernando, Bukidnon.

Walang nasaktan sa panig ng pamahalaan habang ilang rebelde naman ang napaulat na sugatan matapos ang 45-minutong bakbakan.