Abante Tonite Interactive

Bakbakang umaatikabo sa PBA All-Stars

9

Kahit treat lang para sa fans, asahan ang pukpukang labanan sa pagitan ng North at South na tatapos sa PBA All-Stars Weekend sa Smart Araneta Coliseum­ alas-siyete ng gabi sa Linggo.

“Our battlecry is to enjoy the game, have some fun and at the same time try to win,” lahad ni North coach Yeng Guiao sa press conference kahapon sa Monet I Room ng Novotel Hotel sa tabi ng Big Dome. “Mahirap mag-enjoy kung talo ka eh.”

Ganito rin ang sinisiguro ni South coach Leo Austria, noong isang taon ay giniyahan sa panalo ang North sa kanyang unang All-Stars appearance sa Puerto Princesa.

“Last year I won with the North at masarap ang feeling and I’m sure na may mga players din dito sa team ko ngayon na hindi malilimutan ‘yung saya na manalo sa All-Stars kaya I’m sure they’re going to go for the win, too,” ani Austria.

Nasa kampo ni Austria sina starters June Mar Fajardo, Joe Devance at Asi Taulava, at si JR Quinahan. Ibinotong starter ng South si Greg Slaughter pero umayaw dahil hindi pa nakakarekober mula ankle injury kaya napasok si Taulava, binasag ang tablahan nila ni James Yap at nilista ang record na 14th All-Stars appearance.

Starters ni Guiao sina Marc Pingris, Calvin Abueva­ at Japeth Aguilar, reserves sina Troy Rosario at Ranidel de Ocampo. Ayon sa backcourt starters ng North na sina Terrence Romeo at Mark Caguioa, dadaanin nila sa bilis.

Backcourt starter ng South si All-Stars first-timer Scottie Thompson.

“Malalaki nga sila, mababagal naman. Uso naman ang small ball ngayon,” pakli ni Guiao.

Reserves ng North sina Jayson Castro, Alex Cabag­not, Gabe Norwood, Paul Lee at Stanley Pringle. Off the bench sa South sina Jeff Chan, Jericho Cruz, Chris Ross, Mark Barroca, Carlo Lastimosa at RR Garcia.

Maliban sa laro, pinaghandaan din ng North at South ang kuwelang dance-off bago ang game. Taya rito ang P100,000.