Abante Tonite Interactive

Baked tahong with spinach

0 284

Dahil papalapit na naman ang Mahal na Araw ay diyeta muna tayo sa mga karne.

At bilang panghalili dito’y patok ngayon ang seafoods gaya ng tahong na maari n’yong i-try gaya ng baked tahong with spinach.

Mga Sangkap:

Abante Hiring – IT dep

1 kilong tahong (large size)
50 grams fresh spinach (chopped)
1 bar cheese (grated)
3 pcs. large tomatoes (chopped)
1 large onion (chopped)
2 tbsp. olive oil

Asin at paminta (panimpla)

Paraan ng pagluluto:

1. Linising mabuti ang tahong. Ibabad ng mga 1-oras sa tubig at saka hugasang muli.

2. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig na may asin. Kapag kumulo na’y ilagay na ang tahong at hayaang isa-isa itong bumuka. Hanguin sa isang lalagyan. Alisin ang isang part ng shell na walang laman.

3. Sa isang bowl, paghaluin ang spinach, kamatis, sibuyas, olive oil, grated cheese, asin at paminta. haluing mabuti.

4. Ilagay ang nais na dami ng pinaghalong sangkap sa bawat piraso ng tahong.

5. Lutuin sa oven, oven toaster or turbo broiler hanggang sa matunaw ang cheese at ihain nangmainit.