Abante Tonite Interactive

Bakit ayaw maglaro ng player?

By
0 963

Paminsan-minsan, nakikita natin kapag may laro ang PBA na masama ang laro ng isang player.

Nangyayari talaga ito.

May mga lumalapit sa coach at magsasabi na masama ang pakiramdam o kumikirot ang isang bahagi ng katawan, katulad ng tuhod o likod.

Nangyayari din naman ito dahil sa mga laro nila na talaga namang dibdiban at seryoso.

Ang paglalaro ng basketbol ay hindi madali, lalo na sa tuhod, kasi lagi ka tumatakbo at tumatalon sa matigas na flooring ng coliseum o arena. Ang tuhod ang unang nadadale at siyempre apek­tado ang paglalaro.
Meron din talagang “off night” sa opensa, o sa pag-shoot.

Minsan sa laro, ang isang kilalang shooter katulad ni Marcio ­Lassiter ay gumagawa lang ng isang triple sa 8 tira.
Malas.

Madalas nating masaksihan ang ibang shooter na walang ipinapasok na tira. Ito ay nangyayari sa basketball at huwag nating sisihin ang player kung ito ay nangyayari.

Nangyayari talaga ito sa opensa.

Ngunit sa depensa, walang malas-malas dito. Sa depensa, kailangang agresibo ang manlalaro.

Kung sa depensa lalamya-lamya pa rin ang player, may problema. ‘Yung mga malisyoso ang iniisip, sasabihin nila na nagbebenta ang player kasi hindi na nga maka-­shoot, ayaw pang dumepensa.

Malay natin, may mabigat na problemang iniisip ang player o baka puyat at wala ang “focus” sa laro.

Maraming balita sa paghuhulog ng laro lalo na kung malaki ang pusta. Pero sa panahon ngayon, palagay ko, walang player na maglalakas ng loob para magbenta ng laro dahil mahigpit na binabantayan ito ng mga awtoridad at hanapbuhay ng player ang paglalaro sa PBA.

Kung mahuli sila, tiyak mawawala ang hanapbuhay nila para sa pamilya. Marami sa kanila ang daan-daang libo ang suweldo kaya sigurado ako na hindi nila papasukin ang laglagan ng laro.

May mga iba pang dahilan kung bakit minsan tatamad-tamad maglaro ang player. Minsan hindi sila happy sa playing time nila. O ayaw nila sa coach. Baka may pinapaboran.

O maliit ang ­bonus na ibinibigay ng ­koponan sa kanya kung sila’y nananalo, o ayaw bigyan ng maganda at mahabang kontrata.

Maaari ring ayaw maglaro nang maganda para bitawan siya ng kanyang koponan para makapaglaro siya sa ibang team.

Kung mag-e-expire naman ang kontrata, doon mo makikita ang magagandang laro ng player, kasi nais nilang pumirma ulet. Madami pang iba-bang dahilan kung bakit maganda o hindi maganda ang laro ng isang player.

Sa akin naman, kahit ano’ng dahilan, kailangang maging professional ang player at laging ibigay ang 100% sa laro.

Attachments area