Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakit hindi tumakbo si Grace Poe?

0 298

Natapos na ang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) noong Oktubre 8 para sa lahat ng tatakbo sa 2022 national at local elections. Pero ang kapuna-puna, bakit hindi naghain ng kandidatura si Senador Grace Poe.

Hanggang ngayon marami pa rin ang nagtataka kung bakit nga ba raw hindi tumakbo si Senador Poe sa mas mataas na posisyon gayung maganda naman ang numero nito sa mga survey.

Hindi naman pahuhuli si Poe sa mga survey, kung tutuusin maganda ang kanyang mga numero kung pagbabasehan ang mga lumabas na survey ng Pulse Asia sa mga pinapaborang mananalo sa pagka-pangulo kung ngayon gagawin ang halalan.

Mayroon pa namang panahon para makahabol si Poe kung magsa-substitute ito sa aatras na kandidato sa itinakdang dealine sa Nobyembre 15, pero kahit man lang dito, wala tayong naririnig na ingay.

Nagpasya ang senadora na manahimik na lamang sa usaping ito bagamat marami ang nakakaalam na kung sino-sino ang lumigaw sa kanya para tumakbo sa pagkapangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hayag naman sa publiko ang presidential candidate na niligawan si Poe para maging running mate nito pero hindi rin natuloy nang tumanggi ang senadora.

Pero bakit nga ba hindi siya tumakbo? Umugong kasi noon na tatakbo na lang daw itong vice president sa darating na halalan. Siya raw ang magiging running mate ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na siyang presidential bet ng Aksyon Demokratiko na tinatag ng namayapang senador Raul Roco. Pero hindi tumakbo ang senador bilang VP ni Isko.

Isang insider sa kampo ng senador ang nagsabi na pakiusap ito ng kanyang ina sa kanya. Dahil tatakbo si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang Bise Presidente, huwag na raw itong banggain. Isang magandang ehemplo na ang pagkakaibigan ang dapat mag-prevail over politics. Hindi dapat masira ang friendship at relasyong pamilya dahil lang sa politika.

Matagal na kasing magkaibigan ang pamilya ng yumaong hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., nabalo nitong maybahay na si Susan Roces, Tito Sotto at ang asawa nitong si Helen Gamboa na nanggaling din sa showbiz industry.

Ganyan magbigay ng importansya ang pamilya Poe sa kanilang mga kaibigan. Sana all!

Leave A Reply

Your email address will not be published.