Abante Tonite Interactive

Bakit hirap magpapayat ang mataba at magpataba ang payat?

427

Bakit kaya ganun? Masarap kumain pero kapag sumobra ay nakakataba.

Mahirap naman magpigil sa nakikitang masasarap na pagkain pero ayan ang ginagawa ng mga nagpapapayat pero wala pa ring effect.

Alam n’yo bang marami ang pursigido sa pagpapapayat, ginagawa ang mga dapat gawin gaya ng tamang diet, exercise at pagpapapawis.

Ngunit bakit kahit malaki naman ang effort na ibinibigay para pumayat ay parang wala pa ring nangyayari. Naiiwan pa rin sa katawan ang taba na hindi mawala-wala.

Habang marami ring payat na nais na tumaba o magkalaman man lang ng kaunti ang kanilang mga katawan lalo na ang balakang. Nage-exercise din, sobra na nga sa pagkain pero wala ring effect.

May mga dahilan kung bakit nananatili pa ring mataba o payat ang isang tao sa kabila ng puspusang pagpapapayat o pagpapalaman.

Ang akala kasi nila ay tama na ang kanilang ginagawa.

Alamin kung bakit:

1. Maling pagda-diet

2. Puwersadong pagbabawas ng timbang o pagpapataas ng timbang

3. Kulang sa strengthening o resistance exercises.

4. Nasosobrahan sa workout

5. Hindi pa natatagpuan ang hiyang na workout

6. Sobra sa pagkain. Lubhang nakasasama sa katawan ang labis kaya naman delikado ito para sa mga nagpapataba dahil baka sakit ang dumapo sa iyo at hindi ang taba na nais mo.

7. Hindi nabibigyan ng pagkaka-taon ang katawan para maka-recover.

8.Masyadong stress. Isang napa-kahalagang bagay na dapat isaalang-alang kung nais maging matagum-pay sa pagbabawas ng timbang ay ang pagkakaroon ng panatag na Kaisipan.

9. May sakit o karamdaman na nagiging sanhi ng katabaan o pagkapayat. May mga kaso na hirap magbawas ng timbang ang isang tao dahil sa medikal na kundisyon.

Kung sa iyong palagay ay ginawa mo na ang lahat ng paraan para pumayat o tumaba ngunit wala pa ring nagiging magandang resulta, makabubuti na alamin kung may problemang medikal na pumipigil sa iyong pagpapapayat o pagpapataba. Ito na ang tamang panahon para magtanong at komunsulta sa doctor upang malaman ang kalusugan.(Vick Aquino)