Abante Tonite Interactive

Bakit ikot ang puwet?

By
278

Ngayon pa lang ay parang sinisilihan na ang puwet ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa napipintong balasahan sa mga regional director at jail warden ng National Capital Region (NCR).

Sabi sa akin ng mapapagkatiwalaan kong source, ilalabas ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) ang reshuffle order bago ipatupad ang Commission on Elections (Comelec) ban sa Enero 12 kung saan mahigpit ng ipinagbabawal ang appointment at promosyon sa men in uniform.

Hindi nga rin daw mapagkatulog ng mahimbing itong si BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan dahil ramdam na niyang malabong ma-extend ang kanyang termino.

Abante Hiring – IT dep

Dahil dito kung kaya’t by hook or by crook ay kailangang mailatag umano ang isang midnight decision para maipuwesto ang mga bata niya sa magagandang posisyon bago siyang tuluyang magretiro.

Heto po ang iskrip nila. Palilitawin diumano na regular movement ang gagawing malawakang balasahan at pu­wersado din na mag-schooling ang mga bagong jail superintendent dahil may mga ipo-promote nga na opisyal.

Pero Sir, out of delicadeza ay hindi na dapat magrigodon sa BJMP dahil magreresulta lang ito ng diskriminasyon at favoritism lalo na at may “bata-bata system” sa BJMP.

Pero ano itong nasagap natin na nanghihinayang ang mga nagmamalasakit na tauhan ng BJMP?

Sabi nila, aalis na si Tapayan na hindi man lang naimbestigahan dahil sa napaulat na hindi siya dumaan sa proper schooling. May impormasyon din na nasangkot daw ito sa isang ano­malya noong siya ay regional director ng Region 7?
Ayon sa mga tauhan ng BJMP, demo­ralized ang karamihan sa mga taga-BJMP dahil sa hindi magandang patakbo ng ahensya sa “bata-bata” sa sistema ng promosyon sa ilalim ng liderato ni Tapayan.

Sabi nila, mas kinikilingan ang magaling lang sa boka pero kulang naman sa gawa.
Puro ngakngak nga naman kaysa magtrabaho ng husto.

Aba eh alalahanin ninyo mga Sir na marami pa ring jail facility sa bansa ang hindi pa maideklarang “drug-free jail facility”.

Magtrabaho kayo at huwag na ninyong hintayin na masapul kayo ng tingin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung ayaw ninyong masipa sa serbisyo!