Abante Tonite Interactive

Bakit kailangang i-delay ang biyahe?

330

Isang obserbasyon ang ating nabuo sa kalakarang ipinatutupad sa biyahe ng Cebu Pacific.

Hindi ko alam kong nasa sistema na ito ng airlines o nagkataon lamang.
Ang ating tinutukoy ay ang delay ng flight ng Cebu Pacific partikular sa kanilang biyahe sa Sydney, Australia.

Napag-alaman natin sa isang kaanak na bumiyahe patungong Pilipinas na na-delay ang kanilang biyahe.

Isang oras lang naman ang delay. Kanya nga lamang sa mga hindi nakakaalam ng detalye ay malaking perwisyo ito sa kanila.

Pero maging ang inyong lingkod ay naantala ang biyahe ng isang oras. Mula sa orihinal na oras na alas-10 pasado ng umaga ay naging pasado alas-11 na ng umaga ang biyahe ko.

Ang ating punto kaya ko nabanggit ang isyung ito ay bakit kailangan ng CebuPac na sirain ang kanilang pangalan sa pagseserbisyo kung madalas naman palang ma-delay ang kanilang biyahe pabalik ng ‘Pinas?

Mukhang may oras naman silang kayang sundin bakit hindi ito ang ibigay nilang oras para hindi na nababansagang palpak ng kanilang mga customer?

***

Related Posts

Ngayong nagiging kalakaran ang paglalabas ng mga impormasyon at pagbibigay ng kanya-kanyang pahayag at opinyon dahil sa epekto ng social media, dapat maging responsable ang bawat lehitimong mamamahayag.

Dapat tayong maging tapat sa ating mga iniuulat at ‘wag haluan ng malisya ang mga impormasyong ating ipinapahayag. Hindi dapat mangibabaw ang interes ng sinuman sa halip ay interes lamang ng katotohanan at higit sa lahat dapat tayong maging responsableng tagapagbalita. Ang lahat ng ito ay nakasaad sa mga prinsipyong gumagabay sa industriya ng pamamamahayag.

Kaya gaano man tayo kasikat bilang isang reporter, broadcaster o ko­lumnista, hindi pa rin tayo puwedeng magkaroon ng sariling alituntunin at prinsipyo sa larangan ng pamamahayag.

Gaano man katunog ang pangalan natin, gaano man kalawak ang impluwensiya at koneksyon natin, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang mga prinsipyo ng responsible journalism at ethical journalism: Alamin ang katotohanan at iulat ang katotohanan, independent reporting kung saan wala kang sasantuhin pero wala ka ring kinakampihan, humane reporting kung saan binibigyan ng parehas na trato at respeto hindi lamang ang iyong mga source kundi pati ang iyong subject, ang publiko at ang iyong mga kasamahan sa industriya.

Maging accountable sa iyong mga ibinabalita kung saan bahagi ng responsibilidad na aminin at itama ang mali sakaling hindi na­ging makatotohanan ang iyong naisulat o naibalita.

Kahit isang Ramon Tulfo na halos kilala ng lahat ng tao sa Pilipinas ay nagagabayan ng mga prinsipyong ito ng pamamahayag at dapat sumunod sa dikta ng responsible journalism sa lahat ng oras at pagkakataon.

Kung tayo mismo na lehitimong mediamen ay magpapadala sa trend ng social media, mabuti pang ‘wag na tayong maging lehitimong media. Kalimutan na ang prinsipyo, kalimutan na ang ilang taong pinag-aralan natin sa mga journalism school.

Tara maki-trending na lamang tayo hanggang sa mag-viral ang ating sariling pasabog at sariling opinyon!