Abante Tonite Interactive

Bakit mahapdi at hirap sa pag-ihi pagkatapos makipag-sex?

By
2,508

Isa sa malimit na idi­nadaing partikular na ng kababaihan ay ang kahirapan sa pag-ihi lalo na pagkatapos maki­pagtalik.

Pagkatapos umanong mag-loving loving ng magkapareha ay nahihirapan o nakakaramdam ng hapdi ang ilan tuwing umiihi lalo na sa dulo ng pag-ihi.

Tanong tuloy ng iba ay kung nakaka-UTI ba ang pakikipag-sex?

Abante Hiring – IT dep

Sang-ayon sa mga doktor at wellness specialist, hindi porke’t nakipagtalik ka ay dadapuan ka na agad ng UTI (urinary tract infection) o impeksyon sa parte ng urinary system.

Magkakaroon ka lamang nito kung kulang ka sa hygiene o pabaya sa kalinisan lalo na sa maseselang parte ng katawan.

Prone anila sa kababaihan ang UTI dahil na rin sa ‘anatomy’ ng mga ito kung saan magkakatabi ang tatlong butas sa vulva o private part gaya ng urethra (labasan ng ihi), vaginal hole (na pinaglalabasan din ng menstruation) at anus (kung saan luma­labas ang dumi).

Dahil magkakalapit ang naturang mga butas ay lumalaki ang tiyansang maisalin ang bacteria na maaaring makuha habang nagtatalik.

Kaya para iwas-impeksyon ay ugaliing laging malinis sa katawan lalo na sa kaselanan bago at pagkatapos magtalik.

Makakaiwas rin sa UTI ang madalas na pag-inom ng tubig, iwas softdrinks, maaalat at wag magpipigil sa pag-ihi.