Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakit nagkakaroon ng candidiasis o yeast infection

0 168

Nangangati, may namumuting bagay na lumalabas sa puwerta ng babae o sa ulo ng ari ng lalaki, may kakaibang amoy ang discharge, minsan ay masakit umihi, at ang madalas ay masakit makipagniig.

Ang tila kesong puti na lumalabas sa ari ng babae o lalaki ay tinatawag na candidiasis, yeast infection o thrush.

Kadalasang nararanasan ito ng mga matataas ang asukal sa dugo at mahihina ang resistensya. Nawawalan kasi ng kakayahan ang sistema na labanan ang bacteria sa katawan.

Ayon sa nga endocrinologists, gustong gusto ng bacteria ang asukal sa dugo kaya’t lalo silang dumarami. Enerhiya para sa yeast ang asukal sa dugo. Ordinaryong may yeast organisms lalo na ang mga babae bilang bahagi ng kanilang normal flora – ang maliliit na organismo na namumuhay sa katawan. Kapag limitado o kontrolado ang kanilang bilang, walang problema ang katawan dito. Pero kapag dumami dahil nga sa asukal sa dugo at pagbaba ng immune system, diyan na magsisimula ang yeast infection.

Bukod sa pagtaas ng asukal sa dugo, maaari ring maging dahilan ng yeast infection ang mga iniinom na contraceptives o pagpigil sa pagbubuntis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakakadagdag din sa pagdami ng yeast ang masikip at hindi cotton na underwear, masikip na pantalon o shorts, laging basa ang pribadong bahagi ng katawan, at nag-i-ispray ng pabango sa ari o gumagamit ng mabangong sabon kapag naghuhugas ng pribadong bahagi.

Subalit hindi lang sa ari maaaring magkaroon ng yeast infection. Nangyayari rin ito sa bibig, lalo na kung naninigarilyo. Kapag laging mapait ang panlasa, may pamumula o pagdurugo sa loob ng bibig, may puti-puting tila sugat ang nabubuo sa loob ng bibig, laging masakit ang bibig at ang lalamunan, at nagka-crack ang mga gilid ng labi, posibleng mayroong oral thrush o oral candidiasis ang taong may ganito.

Dapat na magpatingin sa doktor at gamutin muna ito sa pamamagitan ng anti-fungal cream o iniinom na gamot. Makakatulong din ang paginom o pagkain ng yoghurt na may lactobacilli o live bacteria.

Sa mga may oral thrush naman, kailangang laging mag-toothbrush at mag-mouth wash, magmumog pagkakain at bisitahin ang dentista.

Ang pinakamahalaga rito ay ang pagpapababa ng asukal sa dugo para hindi na dumami pa ang nakakainis at napaka-kating yeast infection. At pigilin muna ang sariling makipagniig dahil baka maipasa ito sa partner.

Leave A Reply

Your email address will not be published.