Abante Tonite Interactive

Bakit takot si Duterte sa babae? – De Lima

By
881

Target lamang ni Pangulong Rodrigo ­Duterte na mapa­atras si Senador Leila de Lima sa pagharap sa Korte Suprema at sa pakikipagdebate kaugnay sa pagkalas ng Pi­lipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay De Lima, ito ang dahilan kaya binuhay ni Duterte ang sinasabing sex video niya.

“Marahil gusto niya rin akong panghinaan ng loob at umatras sa posible kong pagharap sa Korte Suprema para tutulan ang desisyon niyang umurong ang Pilipinas sa Rome Sta­tute ng International Criminal Court,” saad ni De Lima.

Nagtatanong din ang senador kung bakit takot na takot si Duterte sa isang babae na ipinakulong dahil sa imbentong mga kaso.

Nagtataka si De Lima kung bakit ayaw pa rin siyang tantanan ng mga kalaswaan at kasinungalingan nito.

Ang ginagawa ani­ya ni Duterte sa pagbuhay sa sex video ay maliwanag na paraan para ili­his ang atensyon ng publiko sa mga napako nitong pangako at maraming kasalanan sa Diyos at sa bansa.

Matatandaang binantaan ni Pangulong Duterte si De Lima na ilalabas nito ang umano’y sex vi­deo ng senadora matapos tuligsain ng huli ang ginawang paghalik sa labi ng una sa isang OFW.