Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakit TP?

0 390

May mga kasamahang akong marathoner, runner at colleague (sa sports media) ang nag-uusipa kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas tuwing Martes sa pahayagang ito – Abante TONITE – at sa website naming – Abante TNT I Breaking News Philippines.

Sabi kasi ng ilan sa kanila dati na anila nabasa ang Turning Point sa dalawang magkaibang pahayagan ang gabitong pamaagat sa parehas ding sports section.

Nang nabubuhay pa ang girlfriend ko noon, pinahiram ko ito sa kanya sa kasunduan naming kukunin o gagamitin ko rin ito sa sandaling mabigyan ako ng pagkakataon na makapagkolum sa isang diyaryo.

Ang dyowa ko naman pinagamit sa isang matalik niyang kaibigan na BFF ko rin kaya pinili kong manahimik na lang kaysa sitihin siya.

Nabuo ko po ang ideya ko sa s mga katagang iyan (Turning Point) sa dalawang ulit kong pagsali at tapos sa Magnolia 20K International Run noong 1987 at 1988 sa Luneta, Manila.

Naglagay ng cash prize ang San Miguel Corp. bilang bonus sa unang runner na makaka-u-turn slot sa Coastal Road na halfway mark ng footrace. At si Romulo Manara ang unang lumiko roon. Pero si Primo Ramos pa rin ang nagkampeon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.