Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baklang TV host nginusuan ng baka ang puwet

0 43

NI: ARCHIE LIAO

Maraming ang naaliw sa latest entry ni Vice Ganda sa kanyang vlog na nahati sa dalawang bahagi.

Sa naturang vlog, binisita nila ng kanyang best friend na si Petite ang isang cow farm at nag-obserba kung paano nagpapalahi ng baka.

May mga pagkakataong binalahura ni Vice ang matabang komedyante at nakipag-playtime rito sa pamamagitan ng pagbabaon dito sa dayamihan at paghila ng damit nito na konti nang ikahubo ng huli.

Sa cow farm, isang baka naman ang nakursunadahang ngusuan ang behind ng It’s Showtime na ikinagulat nito.

Sa breeding station, ipinakita naman ng isang breeder kung paano malalaman kung buntis na ang isang baka.

Idinemonstate nito sa dalawa ang pagkapa sa sinapupunan ng baka sa pamamagitan ng kamay.

Ipinakita rin ni Vice kung paano niya binigyan ng injection ng bitamina ang buntis na baka.

Sa huli namang bahagi ng challenge, naatasan sina Vice at Petite na manghuli ng mga palaka sa farm na ikinatuwa naman ng netizens.

Ito ang ilang komento ng kibitzers sa latest adventure ni Vice.

“Napaka-down to earth ni Vice. Kesehodang madumihan siya sa panghuhuli ng palaka.”

“Echoserang frog din kasi si Meme Vice.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.