Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna `di puwersahan sa mga Manileño

0 285

Hindi ipipilit sa mga residente ng Maynila ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“Sa Maynila puwede kang maging choosy,” giit ni Mayor Isko Moreno dahil wala naman aniyang batas na nag-oobliga na mabakunahan lahat.

Sabi ni Moreno, ibibigay lamang ng pamahalaang lungsod ang bakuna sa mga may gusto o boluntaryong magpapaturok.

Kasabay nito, muling nanawagan si Moreno sa lahat ng gustong magpabakuna na magrehistro online.

Nilinaw naman nito na ang mga hindi nakapagrehistro ay maaari pa rin magpabakuna sa pamamagitan ng walk-in. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.