Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna kakagatin kahit patungan presyo

0 116

Dobleng kayod na ang ginagawa ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para makapagdeliber ang gobyerno ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte Miyerkoles ng gabi, sinabi ni Galvez na mabigat na ang pasanin ngayon ng National Task Force Against COVID-19 kaya nakikipag-usap na sila sa ibang mga bansa para makakuha ng karagdagang suplay ng bakuna.

“Manipis [suplay] po tayo sa first quarter kasi ang total lang po niyan is 1.5 million [dose ng bakuna] kaya nagkakaroon tayo ng negosasyon with the British government, China and India,” ayon kay Galvez.

Sa third at fourth quarter pa aniya ng taong kasalukuyan aasahang darating ang pinakamalaking suplay ng bakuna sa bansa na mula sa COVAX facility at iba pang vaccine manufacturer.

Puspusan aniya ang kanilang pakikipag-usap sa mga kompanya ng bakuna para mapabilis ang delivery at kung medyo mapamahal ng bahagya sa presyo ay kukunin na lamang basta magkaroon ng COVID-19 vaccine para sa una at ikalawang quarter ng taon.

“That’s why iyong ongoing negotiation po natin sa mga ibang vaccine ay kailangan po na ina-ano po namin na kung puwede silang magkaroon ng early delivery,” ani Galvez.

“At nagne-negotiate din po tayo kahit mapamahal nang kaunti basta ma-early delivery lang po sila ng second quarter at saka po ng first quarter,” ayon sa kalihim.

“Iyon po ang ginagawa po nating technique, ino-offset po natin ng price — prices na ano ‘yong kanilang price, dadagdagan po ‘yong prices para mapaano po mapaaga po kasi mas maganda po ‘yong mas maaga siya ma-ooffset natin ‘yong ano iyong increase ng price,” paliwanag pa ni Galvez. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.