Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna ligtas iturok sa mga bata – WHO

0 248

Ligtas at walang peligro sa mga bata ang bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni World Health Organization acting country representative Dr. Rajendra Yadav sa harap ng pagtutol ng ilang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11.

Sinabi ni Yadav na hindi dapat gumawa ng mga bagay na ikakatakot dahil ligtas at epektibo itong gamitin para sa mga bata.

“WHO encourages children to be vaccinated. These vaccines are very safe, we should not create unnecessarily panic among parents by spreading misinformation.”

SM food to go Banner Ad

Wala aniyang nakita ang WHO na side effect ng mga bakuna sa mga batang naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Nagbabala ang WHO official na kapag hindi pinabakunahan ang mga bata ay may peligrong mapuruhan sila ng coronavirus at mamatay.

“If you don’t vaccinate our children, they are likely to develop severe COVID-19 and die especially if they have comorbidities. So I encourage all parents to go out and get vaccinated for their children.” (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.