Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna ng pribadong sektor darating sa Hunyo

0 211

Nakatakdang dumating sa kalagitnaan ng Hunyo ang unang batch ng bakunang AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.

Ayon kay Presidential Adviser Joey Concepcion, sa Thailand magmumula ang nasabing mga bakuna.

“`Yong AstraZeneca, total niyan is about 17 million. 11 million is for the LGUs and 6 million is for the private sector. Ang unang dating no’n is sometime mid-June mula sa Thailand and July all the way until December ang buong 17 million,” pahayag ni Concepcion sa isang panayam sa radyo.

Inaasahan na unang makakatanggap ng bakuna sa pribadong sector ang kanilang mga economic frontliner na kabilang sa A4 category.

Bukod sa AstraZeneca ay bumili rin ang pribadong sektor ng mga bakunang Covaxin, Novavax at Moderna. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.