Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna online bentahan talamak sa NCR

0 320

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation ang pagsisiyasat nito sa umano’y talamak at iligal na bentahan ng COVID-19 vaccine at inoculation slot sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Inutusan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing iligal na mga transaksyon online, batay sa mga reklamo ng ilang alkalde.

Ang mga bakuna kontra coronavirus ay libreng binibigay ng mga local government unit sa mga kwalipikadong mamamayan na nag-apply para sa slot na maturukan sa kanilang lugar.

Samantala, sa ilalim ng batas, wala pang pribadong klinika o parmasya na inaawtorisang bumili at magbenta ng mga COVID-19 vaccine.

Sa ngayon ay tanging ang gobyerno ang pinapayagang bumili at magbigay ng bakuna, sa pangangasiwa ng Department of Health.

Ayon kay Guevarra, si MMDA chair Benhur Abalos ang humiling na magkasa ng pagsisiyasat kasunod ng mga ulat na lantarang binebenta online ng ilang indibidwal ang mga bakuna at jab schedule. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.