Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna para sa edad 5-11 tinutulak

0 235

Itinulak ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga bata na edad 5 hanggang 11 gulang bago payagang bumalik sa face-to-face class ang mga ito.

Punto ni Robes, kung sa kolehiyo, ang mga pinapayagan lamang pu­masok ay ang mga fully-vaccinated na, dapat ay ganito rin ang gamiting pamantayan sa preschool at elementarya.

“Ang mga may pilot run ng face-to-face classes ay mga bata na nasa 5 to 11 age group na hindi pa nabakunahan dahil wala pang bakuna na pinapa­yagan sa kanilang edad,” aniya sa isang privilege speech. “Kaya ang aking panawagan sa FDA, kapag nag-submit ang mga vac­cine manufacturers para sa edad 5 to 11 years [old] ay sana’y madaliin na ang pag-aaral, lalo na ang mga vaccines na ginagamit na din sa nasabing age group sa ibang bansa.”

Sa kasalukuyan ay wala pang COVID-19 vaccine manufacturer na naghain ng aplikasyon sa Philippine Food and Drug Administration para sa Emergency Use Authoriza­tion ng COVID-19 vaccine para sa mga 5 hanggang 11-anyos. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.