Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakuna sa student-athlete

0 126

Sinimulan na ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination para sa mga student-athletes sa bansa at kabilang sa mga unang nabakunahan ang ilang estudyante mula sa member schools ng University Athletic Association of the Philippines Miyerkoles.

SM food to go Banner Ad

Sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City ito ginawa bilang bahagi ng kanilang ‘Padyak para sa Flexible Learning: Sama-samang Vaccination Program, student-athlete edition.” Anim na estudyante ang nakatanggap ng first dose ng Moderna vaccine.

Sila ay sina De La Salle University student at taekwondo jin Dylan Reyes, Elij Peña ng University of Santo Tomas, John Paulo Alvara ng National University, Joshua Yerro ng Adamson University, John Paul Salabsab at Emmanuel Samson ng Far Eastern University. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.