Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunado at pagma-mask

0 48

Halos kalahati na ng populasyon sa Amerika ang bakunado (kumpleto) laban sa Covid 19 o umaabot sa 161 milyon katao. Marami rito ang sobrang tiwala na kaya’t hindi na nagma-mask kapag nasa labas. Pero hinihikayat pa rin ng gobyerno ang pagsusuot ng mask kung nasa loob ng mga establisamyento, lalo na at may kumakalat ditong Delta variant.

Naniniwala silang nasa Phase 5 na sila o herd immunity kaya’t tila normal na ang buhay dito – bukas na ang mga bakasyunan, nakakalabas na ang mga matatanda at bata, at madalas nga na wala na silang mask. Ako na lang yata ang naka-mask dito, at nagfe-face shield pa kapag nasa airport.

Apatnapu’t siyam na porsiyento na ng populasyon ng Amerika ang fully-vaccinated, pero mayroon pa ring vaccine hesitancy ang ilan. Nag-aalala sila na dahil minadali ang bakuna, baka raw magkaroon ito ng hindi magandang epekto sa kanila. Mayroon namang naniniwalang lalo silang magkaka-Covid kapag binakunahan. Ang ilan pa nga ay naniniwalang maaapektuhan ang kanilang buwanang dalaw kapag nagpasaksak ng bakuna.

SM food to go Banner Ad

Anuman ang dahilan ng kanilang pag-aalanganin, patuloy na tinitiyak ng mga medical experts ang safety ng bakuna. Ibinibigay rin ito ng libre sa Amerika – kabi-kabila sa mga pharmacies.

Sa ngayon ay dinedevelop na rin ng Pfizer at Moderna ang kanilang pang-booster shot laban sa Delta variant ng Covid.

Inamin naman ng experts na maaari pa ring makakuhq ng Covid 19 virus ang mga nabakunahan. Gayunman, sinabi ng chief medical advisor ng White House na si Dr. Anthony Fauci, kapag nabakunahan ka na, bababa na rin ang tsansa mong makapanghawa dahil ang mananatili sa sistema na Covid ay napakababa na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.