Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunado galing abroad 7 araw sa quarantine – Palasyo

0 198

Inanunsyo ng Malacañang na iniklian na ang quarantine period para sa mga indibidwal na papasok sa Pilipinas na may bakuna na kontra COVID-19, at mula sa mga low-risk country.

Mula sa 10 araw ay magiging pitong araw na lang ang quarantine para sa mga bakunadong biyahero simula Hulyo 1.

Ang isang linggong quarantine ay dati nang pinatupad ngunit para lamang ito sa mga nabakanuhan sa loob ng Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

“Sa mga nakatanggap ng full vaccination sa labas ng Pilipinas, kinakailangan dala niyo ang opisyal ng dokumento na nagsasabi na sila ay nabakunahan na,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa ni Roque, kailangang masuri ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang mga dokumento ng mga papasok sa Pilipinas.

Ilalabas din ng Department of Health (DOH) ang mga tinuturing na low-risk quarantine para makapasok sa pinaikling quarantine period. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.