Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunado kontra virus mag-face mask pa rin – expert

0 192

Giniit ng isang infectious disease expert na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga nabakunahan na laban sa coronavirus.

“As of this time, ang recommendation natin, ang DOH (Department of Health) at ilang medical society dito sa ating bansa even if you got the full doses of the vaccines ang recommendation is still to practice ‘yung minimum public health measures, and included po diyan ang paggamit ng mask. Meron pa ring variant why we can’t afford na we will not wear masks even if were vaccinated already,” paliwanag ni Dr. Eva Roxas sa panayam sa radyo.

Una rito, inanunsyo ni United States President Joe Biden na hindi na kailangan ng mga Amerikanong bakunado, na magsuot ng face mask sa labas kung hindi naman matao.

Sabi ni Roxas, hindi katulad sa Amerika, hindi pa ganoon karami ang nababakunahan sa Pilipinas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.