Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunado sa Zambales halos 30K na

0 111

Umakyat na sa 29,957 ang bilang ng mga residente ng Zambales na fully-vaccinated na laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Banggit ni provincial health director Dr. Noel Bueno kahapon, 2,101 sa 3,155 mamamayan na binakunahan kamakalawa ay tumanggap ng bakuna ng Johnson & Johnson na nangangailangan lang ng isang dose.

Samantala, nasa 68,902 doses na ng bakuna ang naiturok sa lalawigan, kabilang ang 37,693 CoronaVac, 23,819 AstraZeneca at 7,390 Janssen.

Nasa 8,988 mamamayan naman ang nabigyan na ng unang dose ng CoronaVac at AstraZeneca, at naghihintay na mabakunahan ng kanilang pangalawa at huling dose.

Para maabot ang herd immunity laban sa COVID-19, kinakailangan ng Zambales na mabakunahan ang 400,000 sa 590,800 mga residente nito.

Sa ngayon, mayroon nang 4,266 kaso ng COVID-19 sa nasabing probinsya, kasama ang 3,783 gumaling at 116 nasawi. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.