Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong balikbayan puwede walang COVID test – DOH

0 85

Irerekomenda ng Department of Health (DOH) na huwag nang isailalim sa COVID test paglapag sa Pilipinas ang mga balikbayang Pilipino na fully vaccinated na sa ibang bansa.

“Ganyan din po ang ating irerekomenda for those vaccinated abroad na mga Pilipino na babalik dito. Pero hindi pa ho natin iyan napa-finalize kasi we need means of verification of their vaccine status or vaccination cards,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes.

Subalit kailangan aniya ang pitong araw na quarantine sa mga ito.

“Ito pong pagte-test ay mahalaga kasama ng ating response pero kung ikaw ay bakunado na rin naman po, ito na `yong ating sinasabi na puwede naman basta naka-quarantine muna ng pitong araw,” ani Vergeire.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, binago ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang pagpapatupad ng pitong araw na quarantine para sa mga balikbayang bakunado.

Inihayag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magiging epektibo ang bagong patakaran sa Hunyo 22, 2021 mula sa naunang petsa na Hunyo 16.

Batay sa resolusyon ng IATF, pitong araw na lang ang quarantine para sa mga balikbayang walang ipinakitang sintomas ng COVID pagdating sa bansa.

Kapag negatibo sa PCR test iisyuhan ito ng quarantine clearance. (Issa Santiago/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.