Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong dayuhan makakapasok na sa PH

0 35

Papayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhan simula sa Pebrero 16, 2022 subalit kailangang magpakita ng pruweba na bakunado sila laban sa coronavirus at sumunod sa mga protocol na ipinapatupad ng gobyerno.

Inanunsiyo ito ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa press briefing kahapon matapos aniyang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines,” ayon kay Nograles.

Nilinaw naman nito na hindi kasama sa mga papayagang pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

Sinabi pa ni Nograles na hindi aniya kasama sa requirement ang mga batang edad 17 pababa, mga may kadahilanang medikal kaya hindi puwedeng bakunahan basta may certification ng doktor, at ang mga foreign diplomat at ang kanilang mga qualified dependent o visa holder.

Inatasan din aniya ang Department of Tourism (DOTr) sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board (CAB), na ipatupad sa mga airline na kailangang magpakita muna ng katibayang bakunado na ang isang dayuhan bago sumakay ng eroplano papuntang Pilipinas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.