Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong dayuhan papasukin na – BI

0 288

Suportado umano ng Bureau of Immigration (BI) ang panukalang payagan ang mga nabakunahang banyaga na pumasok sa Pilipinas bilang bahagi ng pagsisikap na buhayin ang turismo sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, tutulong sila sa pagse-set up ng “green lane” para sa mga bakunadong dayuhan sa iba’t ibang daungan upang bigyang-daan ang muling pagbubukas ng mga tourist spot alinsunod sa pasya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

“It will not only resuscitate our tourism industry; it will also generate employment for millions of Filipinos who lost their jobs due to the pandemic,” wika ni Morente.

Pinagkakatiwalaan aniya niya ang karunungan ng IATF sa pagpapasya kung kailan angkop na buksan ang mga hangganan ng bansa. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.