Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong OFW gawing 7 araw quarantine- DOLE

0 161

Aapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bawasan ang quarantine period ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nagpabakuna na sa ibang bansa.

Nais ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na mula 10 araw ay gawing pitong araw na lang ang mandatory quarantine sa mga bakunadong OFW.

“Susubukan ko pa rin na kung maaari kung ‘yung ating mga OFW ay bakunado na, medyo bawas bawasan ‘yung quarantine period,” lahad ni Bello sa panayam ng TeleRadyo.

Sa ngayon ay tanging mga OFW lang na nagpabakuna sa Pilipinas ang sasailalim sa pitong araw na quarantine.

Sa mga OFW na nagpaturok abroad, kailangan pa rin na sumalang sa 10 araw na quarantine at negatibong RT-PCR test.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.