Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong OFW puwede na sa HK

0 181

Papayagan na ng Hong Kong na pumasok sa kanilang teritoryo ang mga overseas Filipino worker (OFW) na bakunado kung makapagpapakita ng vaccination certificate mula sa Bureau of Quarantine.

Sa pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo, pumayag na aniya ang Hong Kong na papasukin ang mga bakunadong OFW simula sa Agosto 30 at oras na maipakita nila ang validated COVID vaccine certificate ng nabanggit na ahensiya.

Sabi ng Bello, nasa may 3,000 OFWs ang makikinabang dito.

Inoobliga ng Hong Kong ang mga bibisita sa kanila na magpabakuna. Para sa mga pupunta sa Hong Kong na galing sa tinuturing na high risk na lugar tulad sa Pilipinas, kailangan din nila ng PCR test na nagpapakitang wala silang COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Kailangang kinuha ang PCR test 72 oras bago lumipad patungo sa Hong Kong at dapat na galing ito sa accredited institution o kinikilala ng pamahalaan.

Kahit bakunado, kailangan pa rin ng mga OFW na mag-quarantine at employer nila dapat ang sasagot sa gastos nito.

Sabi ng DOLE, gumagawa na ang Bureay of Quarantine ng draft vaccination certificate para sa mga OFW na papuntang Hong Kong at isasama dito ang kanilang mga detalye sa passport. (Eileen Mencias/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.