Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong Panay turista niluwagan pa-Boracay

0 63

Binuksan na ang Boracay Island para sa mga fully-vaccinated na lokal na turista mula sa Panay Island.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Dr. Cor­nelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office na hindi na hahanapan ng RT-PCR test ang mga turistang manggagaling sa Aklan, Capiz, Antique, Iloilo at Guimaras kung fully-vaccinated na sila at mayroong sertipikasyon mula sa VaxCertPH.

Pero kung wala aniyang maipakitang VaxCertPH sertipikasyon ay kailangan nilang magpresenta ng negatibong swab test result.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“‘Yong Panay Island and Guimaras na mga tourist, kung gusto pumunta sa Boracay, puwede na pong walang negative RT-PCR basta mayroon po silang certification, iyong VaxCertPH, na [nagsasaad na] fully-vaccinated na po sila.”

Tiniyak ni Cuachon na hindi makakalusot sa isla ang mga magpapakita ng mga pekeng dokumento dahil agad na tinatawagan ang mga laboratoryong naglabas ng RT-PCR test result. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.