Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunadong senior hinirit palabasin ng bahay

0 229

Iminungkahi ng OCTA Research na gawing insentibo sa mga bakunadong senior citizen ang limitadong paglabas ng bahay para mahikayat ang iba pang matatanda na magpaturok na rin ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Professor Ranjit Rye na marami pa ang mga senior citizen na hindi nagpabakuna at isang paraan ang pagpayag sa mga bakunadong matatanda na makalabas sa limitadong panahon para mahikayat ang iba na sumali sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa seniors natin po, napakakonti pa lang ng bakunado. Pero kapag kumpleto na ang bakuna, `yon ang puwedeng incentive para sa mga senior na maaaring lumabas for a limited time in the day to go out to some places para ma-inspire `yong ibang seniors na mag-decide magpabakuna,” ani Professor Rye.

“Hindi pa napapanahon lumabas `yong mga senior pero kailangan luwagan ng konti for wellness issue, health issue. Pero ang importante dapat bakunado na po,” dagdag nito.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.