Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bakunahan sa Caloocan economic frontliner sinimulan

0 181

Inumpisahan na ng Caloocan City goverment ang pagbabakuna sa A4 priority group o mga economic frontliner sa mga itinalagang vaccination site mula sa una at ikalawang distrito ng lungsod.

Muling nanawagan si Mayor Oscar Malapitan sa lahat ng kabilang sa priority group na magpabakuna laban sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mandato ng Inter-Agency Task Force, kasama sa A4 ang mga manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang pisikal na naroroon sa kanilang itinalagang pagtratrabahuhan, mga kawani ng ahensiya ng gobyerno, mga government-owned and controlled corporation at mga local government unit.

Kabilang rin ang mga informal sector, private household, at mga self-employed worker na kinakailangang lumabas ng kanilang tahanan. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.