Bala, baril, granada nakumpiska sa jail officer

518

Dalawang granada, mga baril at bala ang nakumpiska mula sa isang jail officer na nagtangkang umiwas sa checkpoint sa Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, Martes ng hapon.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Leon Victor Rosete, NE police director, ang nahulihan ay si SJO3 Jovito Pascual Caymo, 50-anyos, taga-Brgy. San Roque, Guimba, Nueva Ecija.

Ala-1:30 ng hapon, paparahin sana ang SUV na may plakang BCC 386 na minamaneho ni Caymo subalit sa halip na huminto ay lalo pa nitong binilisan ang pagmamaneho.

Sa suporta ng mga elemento ng CIDG-Cabanatuan City at elemento ng 84th IB ng AFP ay natugis at napahinto ang SUV.

Kabilang sa nakumpiska ang isang M16 rifle na may 30 bala; isang shotgun; isang Glock 26 na may 17 bala; isang Glock 17 GEN 4 9mm na may 17 bala at mahigit isang libong bala para sa 12 gauge, M16, cal. 22, cal. 45 at cal. 9mm.

Kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, Rep. Act 10591 at Rep. Act 9516 ang isinampa kontra kay Caymo. (Jojo de Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...